Villar umalma sa pagtarget sa pondo ng RCEF

Senador Cynthia Villar

Ni NOEL ABUEL

Binatikos ni Senador Cynthia Villar ang ilang ahensya ng pamahalaan partikular ang mga bumubuo ng National Rice Program at National Food Authority (NFA) kung bakit pinakikilalaman nito ang pondo ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (PCEF).

Sa pagdinig ng Senate Committee on Agriculture and Food, hindi naitago ni Villar ang pagkainis kung bakit gustong pakialaman ang P10B ng RCEF.

“Bakit gusto n’yong kontrolin ang RCEF. It is based on the law, and those agencies that empowered to follow the law do not follow the law,” tanong ni Villar kay Asis Perez, Usec. for Policy, Planning and Regulations ng Department of Agriculture ng

Sinabi pa ni Villar, na kung ang RCEF ay mayroon lamang na P10B at ang National Rice Program ay mayroong P30B.

“Bakit gusto n’yong kontrolin ang RCEF it is based on the law, and those agenies that empowered to follow the law.

Giit ni Villar sa halip na pag-interesan ang pondo ng RCEP ay dapat na pagbutihin na lamang ng mga ito sa paggamit sa P30B na pondo nito.

“Kaya ako matapang sa RCEF kasi nasa law, you cannot disobey the law. Gigil na gigil kayo sa pondo ng RCEF na ang liit-liit na nga ng pondo kung ikukumpara sa pondo ng NRP,” giit pa ng senador.

Sinabi pa ni Villar na sa rice program nito ay may pinagagawa ito sa Bureau of Soil and Water Management at binigyan ng composting machine para gumawa ng sariling fertilizer, para mabawasan ang importasyon ng chemical fertilizer na may pondong P10B.

Aniya, libre ang waste composting na magagamit na organic fertilizers at makakatulong pa sa kalikasan.

Inihalimbawa pa nito sa Las Piñas City ay may 89 composting machines na nakakatulong para makatipid ng 300M kada taon dahil sa pag-recycle kabilang ang 50 porsiyentong kitchen wastes.

Leave a comment