Speaker, Rep. Yedda Marie Romualdez namahagi ng P150K sa nailigtas na 21 Pinoy seafarers

Ni NOEL ABUEL

Nagpaabot ng tulong pinansyal si House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa 21 Pinoy seafarers na nailigtas mula sa MV Tutor na tinamaan ng Houti missile at drone sa pag-atake sa Red Sea.

Kasama ng House leader ang kanyang asawang si Tingog party list Rep. Yedda Marie K. Romualdez sa pagkakaloob ng P150,000 cash assistance para sa bawat isa sa 21 Filipino seafarers.

Ang cash assistance, na may kabuuang P3.15 milyon at mula sa personal calamity funds ng mag-asawang Romualdez, ay naglalayong magbigay ng agarang suporta sa mga marino at kanilang pamilya, ayon naman kay Tingog party-list Rep. Jude Acidre.

“As instructed by President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., Speaker Romualdez and his wife, Rep. Yedda Romualdez are working hard to provide relief and support to our seafarers,” sabi ni Acidre na personal na nagpalawig ng tulong sa mga seafarers nang dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Ipinahayag ni Romualdez ang kanyang pasasalamat sa ligtas na pagbabalik ng mga Pinoy seafarers na binanggit ang mabilis na aksyon ng gobyerno kasunod ng pag-atake.

“We are deeply relieved that our brave seafarers are coming home safe. This assistance is a token of our gratitude for their courage and resilience during this harrowing ordeal,” sabi ni Speaker Romualdez.

Binigyan-diin din ni Rep. Romualdez ang pangangailangang suportahan at protektahan ang mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa, na siyang gulugod ng pandaigdigang manggagawa ng bansa.

“Our seafarers are our modern-day heroes, and it is our duty to ensure their welfare,” sabi ni Yedda Romualdez.

“This cash assistance from our personal funds aims to help them and their families as they transition back home. We stand by them and are committed to providing the necessary support,” dagdag pa nito.

Sinabi naman ni House Deputy Secretary General Sofonias “Ponyong” P. Gabonada Jr. na kumikilos din ang Office of the Speaker para mabigyan ng karagdagang tulong ng gobyerno ang mga pamilya ng mga nailigtas na seafarers.

Kabilang dito ang livelihood assistance sa anyo ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) o ang DOLE Integrated Livelihood and Emergency Employment Program (DILEEP).

Kasama rin sa aid package para sa mga nasagip na seafarers ay ang tulong pinansyal na P10,000 bawat kwalipikadong miyembro ng pamilya sa ilalim ng AKAP program ng DSWD, at 20-araw na emergency employment sa ilalim ng TUPAD program ng DOLE.

Bilang karagdagan, ang mga kwalipikadong miyembro ng pamilya ay maaaring makatanggap ng tulong pang-edukasyon sa ilalim ng Tulong Dunong Scholarship program ng Commission on Higher Education (CHED).

Ang mga karagdagang tulong na ito ay ieendorso sa mga kinauukulang ahensya para sa paborableng pagkilos na napapailalim sa naaangkop na proseso ng pagsusuri at mga alituntunin sa pagpapatunay.

Ang 21 Filipino seafarers ay nailigtas noong Biyernes ng gabi sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. matapos ang pag-atake sa MV Tutor ng rebeldeng Houthin sa Red Sea noong Miyerkules.

Mainit na tinanggap ni Philippine Ambassador to Bahrain Anne Jalando-on Louis noong Sabado at bumalik sa Maynila noong Lunes ng umaga at kasama si Department of Migrant Workers (DMW) Labor Attaché Hector Cruz.

Leave a comment