Villar, kinilala ang kagandahan at kagalingan ng LGBTQIA+community

Ni NOEL ABUEL

Personal na pinangunahan ni Senador Cynthia A. Villar ang 1st Pride Month Celebration sa Las Piñas City kasabay ng panawagang wakasan ang sexual discrimination.

“We are celebrating the different sexual orientations, gender identities, and expressions, which encourage acceptance and respect in our city,” ani Villar.

Inihayag din nito na layunin ng Pride Month Celebration na tukuyin ang kahalagahan, abilidad, kaguwapuhan at kagandahan at mga adbokasiya ng ating LGBTQIA +community.

“Today, we are happy to be together to appreciate the significance and beauty of our differences,” ani pa ng senador na sinamahan sa pagdiriwang ng kanyang mga anak na sina Senador Mark Villar at House Deputy Majority Leader Camille Villar at ng mga konsehal at opisyal ng barangay.

Sa kabila ng mga pagkakaiba, iginiit ni Villar na maaari rin naman magkaisa at maging masaya.

“I am so happy to see the LGBTQIA+community of Las Piñas proudly participated in our celebration today,” ani ng senador na nagsabing naaliw ito sa makululay at magagadang suot ng mga lumahok sa parada at sa “Las Piñas Binibining Bahaghari 2024 Pageant.”

“You are all wonderful! Our celebration of Pride Month was filled with merry-makings and amazing things which started with the Pride Parade participated by all barangays and associations of our LGBTQIA-+community here in Las Piñas,” sa pahayag nito.

Ani senador, nagningning at naging makulay ang pagdaan ng parada.

Ang mga sigaw at palakpapak ang naging inspirasyon ng mga lumahok para mas higit nilang galingan ang kanilang performances. Naghatid din sila ng senyales na- “there is unity and love in diversity.”

Bukod sa pagpili most beautiful gay” sa siyudad na ginanap sa The Tent, pinarangalan din ng mga Villar ang mga Las Piñero na kasapi ng LGBTQIA+community dahil sa kanilang natatanging nagawa sa larangan ng beauty and fashion, culture and arts; sports; community service; education and academe; and livelihood.

Leave a comment