Habagat magpapaulan sa Southern Luzon at Visayas

NI MJ SULLIVAN

Hanging habagat ang mararanasan ng mga lalawigan na nasa katimugang bahagi ng Southern Luzon at sa Visayas.

Sa inilabas na weather advisory ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang Palawan, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, BARMM at SOCCSARGEN ay makakaranas ng maulap na papawirin na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at pagkulog.

Nagbabala ng abiso ang PAGASA na posibleng magdulot ng flash floods o landslides dahil inaasahang malalakas na pag-ulan.

Samantala, ang Metro Manila, Western Visayas, Zambales, Bataan, Cavite, Laguna, Batangas, at ang nalalabing bahagi ng MIMAROPA ay magkakaroon ng maulap na papawirin at kalat-kalat na pag-ulan dahil sa pag-ulan at pagkulog bunsod ng epekto ng habagat.

Leave a comment