Pagpapabuti sa working conditions ng mga Filipino healthcare workers tiniyak ni Sen. Go

Ni NOEL ABUEL

Ipinahayag ni Senador Christopher “Bong” Go ang adbokasiya nito para sa makabuluhang mas mahusay na kondisyon sa pagtatrabaho para sa mga healthcare workers na nakatuon sa pagtaas ng suweldo, pagpapalabas ng health emergency allowance upang maayos nilang matupad ang kanilang mandato sa pangalagaan ang kalusugan ng mga Pilipino.

Sa isang ambush interview noong Linggo, Hunyo 16, matapos tulungan ang mga estudyante sa Ibajay, Aklan, tinugunan ni Go ang ilang kritikal na isyu na kinakaharap ng sektor ng kalusugan sa bansa.

Binigyan-diin ng senador ang nakababahala na kakulangan ng mga mapagkukunan, na kinumpirma ng Department of Health (DOH).

“According to DOH, talagang kulang. This is sad and alarming, nakakalungkot po. Importante talaga rito, taasan ‘yung sweldo. Increase their take-home pay,” sabi ni Go.

Tinukoy ni Go na dapat pabilisin ang pamamahagi ng hindi nabayarang Health Emergency Allowance (HEA) para sa mga health workers at bnigyan-diin na ang naturang kabayaran ay “long overdue” na.

“Bayaran nga dapat ‘yung Health Emergency Allowance kaagad. Kaya ‘yun po’y pinupukpok ko ang DOH at DBM,” giit nito.

Sa ilang serye ng mga pampublikong pagdinig na isinagawa ng Senate Committee on Health na pinamumunuan ni Go, umaapela ito sa mga kaukulang ahensya na pabilisin ang pagpapalabas ng matagal nang pagbabayad na HEA sa mga healthcare workers para sa kanilang kritikal na serbisyo sa panahon ng pandemya.

“Nag-hearing kami kada buwan at nangako naman sila (DOH at DBM) doon sa hearing mismo na tutugunan nila. Dahil ako po’y naniniwala na services rendered na po yan ng mga health workers natin,” aniya pa.

Leave a comment