Simbahang Katolika nanawagan na rin sa pag-ban sa POGO

Ni NEILL ANTONIO

Nanawagan na rin ang Simbahang Katolika na paalisin na ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) dahil sa masamang idinudulot nito sa bansa.

Sa inilabas na pastoral letter ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, sinabi nitong panahon nang tapusin ng gobyerno ng Pilipinas ang operasyon ng lahat ng POGO.

Aniya, ang anumang pangakong benepisyo ng pagpapahintulot sa POGO na mag-operate ay malayo sa tunay na katotohanan na nagbibigay pa ng malaking banta at pinsala.

“Whatever benefits that allow them to operate may have been promised are overshadowed completely by the threat they carry with them and in fact, the dreadful harm of their presence,” ani Villegas.

Aniya, ang POGO ay pinatatakbo ng Chinese-run online gaming companies na nagsisilbi sa ibang bansa, at lumaki ang bilang ng mga ito noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Marami na ang nananawagan sa pag-ban sa POGO bunsod ng dumaraming ulat na nagsasangkot at mga ito sa iba’t ibang krimen kabilang ang kidnapping, human trafficking, at murder.

Maliban pa aniya dito ay ilang government officials ang nais na ipatigil ang operasyon ng POGO matapos ang isinagawang pagsalakay ng mga awtoridad sa malaking illegal gambling hubs sa Tarlac at sa Pampanga kamakailan.

Ayon kay Alejandro Tengco, ang pinuno ng state gaming regulator PAGCOR, sa ilang ulat, na nasa 250 hanggang 300 ang illegal na nag-o-operate na POGO sa bansa na halos tatlong mas malaki sa 46 legal operators.

“The recent raids that revealed the extent of the evil at these Pogo hubs including incidences of human trafficking and torture and money laundering make it a moral imperative that no longer should they be granted the protection of the law and that they, in fact, should be outlawed,” sabi pa ni Villegas.

Leave a comment