3,000 Caviteño, nagpasalamat sa suporta mula kina Alan at Pia Cayetano at DSWD

Si Senador Pia Cayetano habang masayang sinalubong ng mga Caviteños na namahagi ng tulong mula kasama rin si Senador Alan Peter Cayetano.

Ni NOEL ABUEL

Nagpasalamat ang nasa 3,000 residente ng Cavite City kina Senador Alan Peter at Senador Pia Cayetano at sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) dahil sa tulong na ipinagkaloob ng mga ito.

Sa muling pakikipagtulungan sa programa ng DSWD sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS), ang magkapatid na Cayetano ay tumugon sa pangangailangan ng 3,000 na residente ng probinsya.

Noong Hunyo 19, unang binisita ng magkapatid na senador ang Lungsod ng Dasmariñas upang bigyan ng tulong ang 500 senior citizens at mga persons with disabilities (PWDs).

Naging matagumpay ang pamamahaging ito sa partisipasyon ni Mayor Jennifer “Jenny” Barzaga at ang mga konseho ng lungsod.

Binisita rin nila ang Lungsod ng Imus kung saan 500 mga benepisyaryo, kabilang ang mga community health workers at kababaihan sa koordinasyon kasama sina Cavite 3rd District Representative Adrian Jay Advincula, Mayor Alex Advincula, at Councilor Mark Villanueva.

Nagpatuloy ang outreach sa Dasmariñas noong Hunyo 20, kung saan 2,000 pang residente ang nabigyan ng tulong.

Kabilang sa mga benepisyaryo ang mga Barangay Health Workers (BHWs), Barangay Nutrition Scholars (BNS), solo parents, women’s groups, at mga miyembro ng LGBTQ community.

Ang mga inisyatibang ito ay bahagi ng patuloy na pagtutok ng magkapatid na Cayetano sa pagtulong sa mga marginalized communities sa buong bansa.

Leave a comment