Rep. Gonzales kinilala ng CA sa usapin ng Paskuhan Village case

Ni NOEL ABUEL

Kinilala ng Court of Appeals (CA) ang karapatan ni Senior Deputy Speaker (SDS) at Pampanga 3rd District Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr. na makialam sa “irregular” sale ng 9.3-hectare Paskuhan Village sa San Fernando City, Pampanga.

Sa desisyong nilabas nitong nakaraang May 23, na nilagdaan nila Associate Justices Jennifer Joy Ong, Apolinario Bruselas at Geraldine Fiel-Macaraig, pinawalang bisa ng CA fourth division ang naunang ruling na pinapanigan ang Regional Trial Court (Branch 42) ng San Fernando, na nagdeklarang walang legal standing si Gonzales para mag-file ng motion to intervene sa kaso.

Ibinalik ng CA ang kaso są RTC-Branch 42 at inutusan itong iresolba “with dispatch” motion to intervene ni Gonzales at aralin uli ang desisyon nito sa compromise agreement sa pagitan ng San Fernando City at Premier Central, Inc., ang kumpanyang nakabili ng Paskuhan Village noong 2017 sa halagang P939 million.

“Ako’y nagpapasalamat sa Court of Appeals sa pagkilala sa aking karapatan, kasama ko ang aking mga kababayan, na makialam sa usaping ito bilang mambabatas, taxpayer at concerned citizen,” sabi ni Gonzales.

“Patuloy nating ipaglalaban ang pagbabalik ng Paskuhan Village bilang cultural heritage asset sa gobyerno, sa probinsiya ng Pampanga at sa siyudad ng San Fernando. Hindi dapat ito naibenta at ang pagbebenta naman ay grossly disadvantageous pa sa mga taxpayer,” dagdag pa nito.

Ang Paskuhan Village ay malapit sa North Luzon Expressways at Jose Abad Santos Avenue sa San Fernando kung saan dito idinaraos ang Pampanga giant lantern festival.

Sa May 23 decision, sinabi ng CA na mayroong “glaring irregularities in the manner in which the RTC rendered its judgement.”

“The RTC “not only delayed resolving Gonzales’ motions (for intervention); records reveal that they were not resolved at all before the judgment was rendered,” ayon sa desiyon.

Inihain ni Gonzales ang kanyang original motion to intervene noong Enero 16, 2020 na sinundan ng pangalawang motion noong Enero 31 at pangatlong petisyon noong Pebrero 21, 2020.

Ang irregularities na pinuna ng CA sa paghawak ng Paskuhan Village case ng RTC-Branch 42 dahil sa pagdududa hinggil sa kailan talaga nagpasya ang RTC sa kaso.

“As such, the better and more prudent action would be to treat Gonzales’ urgent motion as having been duly filed before the RTC. Thus, the RTC deviated from its mandate when it prematurely decided on the case and rendered judgment without resolving a pending incident,” sabi ng CA.

Dagdag pa ng korte na si Gonzales kumilos sa loob ng makatwirang panahon sa pag-avail ng remedyo ng interbensyon upang kwestyunin ang compromise agreement sa pagitan ng San Fernando City government at ng Paskuhan Village buyer.

“The substantive issues raised by Gonzales in his petition, such as susceptibility of the controversy to compromise and the authority of the OSG (Office of the Solicitor General) to enter into a compromise agreement (in behalf of the government), should have prompted the RTC to rule upon the urgent motion instead of ignoring or sidestepping it,” ayon sa CA.

Sa compromise agreement, bibigyan ng Premier Central, Inc. ng 5,000 square meters at ng two-story building ang San Fernando City.

Leave a comment