Sen. Legarda pinuri ang dalawang senador sa paghawak sa kaso ni Mayor Alice Guo

Ni NOEL ABUEL

Pinuri ni Senador Loren Legarda ang kapwa nito senador na sina Senador Sherwin Gatchalian at Senador Risa Hontiveros sa mahusay na pag-iimbestiga sa kaso ng suspendidong Mayor Alice Go na patunay peke ang tunay na pagkatao ng huli.

“Sen. Sherwin and Sen. Risa have done really very good research,” sabi ni Legarda.

‘We should look into that. Its creeping invasion. Bamban, meron pang Porac, at Clark. Paano naman hindi nalalaman ng mga lokal na pamahalaan. Alamin bago magbigay ng permit o kung meron pang nagtatayo na walangh permit, dapat kumilos ang executive,” dagdag nito.

Aniya, kumbinsido ito na si Guo ay hindi tunay ang pagkatao matapos na ilabas ni Gatchalian ang dokumento na ang pangalang Guo Hua Ping na pumasok sa Pilipinas noong Enero 12, 2003 kung saan 13-taong gulang lang ang suspedidong alkalde.

“This according to documents provided by the Board of Investments from the Guo family’s application for Special Investors Resident Visa. Guo Hua Ping’s registered mother under the SIRV is Lin Wenyi,” ayon kay Gatchalian.

“I am convinced that she is not who she says who she is. She is not a simple person but how many Alice Guo are there. That’s really up to the Bureau of Immigration (BI) to look for other Alice Guo. We should prevent more occurrences, look out for many similar personalities na na-infiltrate ang ating local politics, ang ating propesyon, negosyo, nagpapatakbo ng sindikato,” sabi pa ni Legarda.

Sinabi pa ni Legarda na suportado rin nito ang isinusulong ni Gatchalian na tuluyan nang i-ban ang Philippine Offshore Gaming Operatos (POGO) sa bansa.

“I am always been in favor and signed the committee report of Sen. Gatchalian to ban POGOs. Ito ay sagabal na sa ating pamumuhay at ito ay isang bant ana sa pamumuhay ng mga Pilipino,’ pahayag pa ni Legarda.

Leave a comment