Cayetano nagbigay ng tulong pangkabuhayan sa mga tricycle driver ng Quezon City

Walang pagsidlan ng tuwa ang ilang tricycle drivers sa livelihood assistance na natanggap ng mga ito kina Senador Alan Peter Cayetano at Senador Pia Cayetano.

Ni NOEL ABUEL

Bilang pagkilala sa kanilang dedikasyon sa trabaho, nagbigay ng livelihood assistance sina Senador Alan Peter at Pia Cayetano sa 30 opisyal at 500 miyembro ng Pinyahan Tricycle Operators and Drivers Association o PinTODA sa Quezon City.

Ayon sa mga benepisyaryo, ang kanilang natanggap na livelihood assistance ay makatutulong ng malaki sa kanilang gastusin, na karaniwang hinuhugot nila sa kanilang araw-araw na pagpasada.

Nakipag-ugnayan ang opisina ng magkapatid na senador sa Department of Labor and Employment (DOLE) para maisakatuparan ang kanilang Integrated Livelihood Program (DILP) sa lungsod, sa tulong ni DOLE Quezon City Labor Employment Officer Bella Lope, at sa suporta ng Presyo, Trabaho, Kita/Kaayusan o PTK President na si Sonny Agustin.

“Kami po ay lubusang nagpapasalamat sa inyo dahil napili niyo po ang organisasyon namin na bigyan ng pangkabuhayan,” ani Agustin.

Naglalayong palawakin ng DILP o kilala rin bilang “Kabuhayan Program” ang mga oportunidad sa ekonomiya ng mga manggagawang Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong pangkabuhayan.

Nananatiling tapat sa kanilang layunin ang magkapatid na senador upang matulungan ang mga Pilipino sa buong bansa, mapabuti ang kanilang kabuhayan, at mapalawak ang kanilang mga oportunidad.

Leave a comment