Villar sa mga bikers: Magpadyak para sa mas malusog na kapaligiran

Si Senador Cynthia Villar habang nagbibigay ng inspirational message sa mga bikers bago ang isinagawang clean-up drive sa Las Piñas-Parañaque Wetland Park (LPPWP).

Ni NOEL ABUEL

Pinayuhan ni Senador Cynthia Villar ang mga nagbibisikleta o mga bikers na tumulong din sa paglinis ng kapaligiran.

“Every piece of litter we collect and every kilometer we ride is a step towards a cleaner, greener planet,” ayon kay Villar.

Sa kanyang pahayag sa “Bike Ride and Cleanup Drive sa Las Piñas-Parañaque Wetland Park (LPPWP),” sinabihan ni Villar ang bikers na gumagawa ng kaibahan sa pagdalo sa ganitong insidente.

“Your actions today help to reduce pollution, protect wildlife, and inspire others to join the cause of protecting not just the Las Pinas-Paranque Wetland Park but the environment as a whole,” ani Villar.

Umaasa ang senador na ang okasyong ito ang magiging “catalyst” sa ongoing effort upang mas marami ang makaalam na kailangang protektahan ang Las Piñas Parañaque Wetland Park.

“The Las Piñas-Parañaque Wetland Park is a vital ecological sanctuary, home to a rich diversity of flora and fauna. It serves as a critical habitat for migratory birds, a breeding ground for various fish species, and a natural flood control system that protects our communities. The park is a testament to the wonders of nature and a reminder of our responsibility to safeguard it,” sabi pa ni Villar.

Hinikayat din ng chairperson ng Senate environment and natural resources committee ang lahat na ipagpatuloy ang pag-aalaga sa ating likas na yaman.

Bukod dito, sumisimbolo rin ang “bike ride today” sa commitment sa sustainable transportation at healthier lifestyle.

“As we pedal through the scenic routes going to the wetland park, we are reminded of the beauty that we strive to protect. Our collective effort in the cleanup drive demonstrates our dedication to preserving this precious ecosystem for future generations,” dagdag pa nito.

Leave a comment