Ilocos Norte at Davao Occidental nilindol

Ni MJ SULLIVAN

Niyanig ng paglindol ang lalawigan ng Ilocos Norte at Davao Occidental ngayong araw, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Ayon sa Phivolcs, alas-2:28 ng madaling-araw nang maitala ang magnitude 3.4 sa Burgos, Ilocos Norte at may lalim na 020 km at tectonic ang origin.

Naitala sa instrumental intensity ang intensity III sa bayan ng Pasuquin, Ilocos Norte.

Una nito, dakong ala-1:05 ng madaling-araw nang yanigin ng magnitude 4.6 na lindol ang Balut Island sa bayan ng Sarangani, Davao Occidental.

May lalim itong 149 km at tectonic din ang origin.

Wala namang naitalang danyos ang Phivolcs sa dalawang magkasunod na paglindol at wala ring inaasahang aftershocks sa mga susunod na araw.

Leave a comment