Sen. Revilla sa TRB: Bilisan ang Cavitex toll holiday

Ni NOEL ABUEL

Nanawagan si Senador Ramon “Bong” Revilla, Jr. sa Toll Regulatory Board (TRB) na bilisan ang pagpapalabas ng pormal na resolusyon hinggil sa pagpapatupad ng 30-day toll holiday sa ilang bahagi ng CAVITEX.

Noong nakaraang Hunyo 21, 2024 ay inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang inisyatiba ng Philippine Reclamation Authority na siyang operator ng CAVITEX na planong isuspende muna ang paniningil ng toll sa ilang bahagi ng expressway upang matulungang mapababa ang gastusin ng publiko na dumadaan dito na labis na apektado ng pagtaas ng presyo ng petrolyo.

“I am appealing to TRB to speed up the issuance of the pertinent resolution necessary for the implementation of the toll holiday in CAVITEX. We cannot delay this, especially that it is no less than the President that has ordered for the suspension of toll collection,” apela ni Revilla.

“Ang toll holiday na ito ay malaking bagay para mabawasan ang gastos ng mga motorista. Kaya sana ay huwag nang patagalin dahil inaasahan nila ito. Bilisan na dapat ng TRB ang paglabas ng resolusyon para mapakinabangan na ng ating mga kababayan ang libreng daan sa mga parte ng CAVITEX”, dagdag pa nito.

Ang Public Estates Authority Tollway Corporation (PEATC), na subsidiary ng PRA, ay nagsabing –kapag ang TRB ay inilabas na ang naturang resolusyon ay agad nilang ipatutupad ang 30-day toll suspension.

Leave a comment