Solon sa DSWD at PSA: Paigtingin ang info drive sa Solo Parent ID benefits

Rep. Bernadette Herrera

Ni NOEL ABUEL

Nanawagan si House Deputy Minority Leader at Bagong Henerasyon party list Rep. Bernadette Herrera sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), Philippine Statistics Authority (PSA), at mga local government units (LGUs) na paigtingin ang kanilang information campaign tungkol sa Solo Parent ID at mga kaakibat nitong benepisyo.

Binigyan-diin ni Herrera, na tinaguriang “solon ng soloista” para sa kapakanan ng solong magulang, ang paggamit ng social media upang matiyak na alam ng mga solo parent ay ma-access ang magagamit na suporta.

“Being a solo parent comes with its own set of challenges and responsibilities. It is imperative that solo parents are informed about the resources and benefits they are entitled to through the Solo Parent ID,” ani Herrera.

“I urge the DSWD, PSA, and LGUs to step up their efforts in spreading awareness and facilitating the application process, particularly through social media platforms where information dissemination can be widespread and immediate,” dagdag pa nito.

Sa Solo Parent ID, itinatakda ng DSWD sa ilalim ng Republic Act (RA) 8972 o ang Solo Parents Welfare Act, nagbibigay ng access sa iba’t ibang programa at serbisyo ng pamahalaan na idinisenyo upang tulungan ang mga solo parent at kanilang mga anak.

Kabilang sa benepisyo ang flexible work schedules, parental leave, educational assistance, price reductions, at cash subsidies.

Para makakuha ng Solo Parent ID, ang unang hakbang ay kumpirmahin ang pagiging kuwalipikado sa pamamagitan ng pagtiyak na natutugunan ng aplikante ang pamantayang itinakda ng DSWD.

Ang solo parents ay mga nakaranas ng pagkasawi ng asawa, dumaan sa legal separation, annulment, o iba pang qualifying circumstances na naayon sa ilalim ng RA 8972.

Gayundin, ang mga kinakailangang dokumento tulad ng patunay ng katayuan bilang solo parent, proof of income, proof of residency, at proof of custody.

Sa sandaling makumpleto ang lahat ng kinakailangang dokumento, maaaring bisitahin ang pinakamalapit na tanggapan ng DSWD o tingnan ang official website para sa application form at isama ang kinakailangang dokumento.

Ang mga solo parents ay may karapatan din sa pitong araw ng parental leave kada taon, mga scholarships at grants para sa pag-aaral ng kanilang mga anak, mga diskwento sa iba’t ibang mga item sa mga tindahan ng gamot, parmasya, grocery store, at mga katulad na establisimiyento, at karagdagang buwanang cash subsidy na P1,000 para sa mga karapat-dapat na solo parent na kumikita ng minimum wage.

“The Solo Parent ID is not just a card; it is a lifeline that provides essential support to solo parents struggling to balance their responsibilities. We must ensure that every solo parent knows how to obtain this ID and fully utilize its benefits to improve their quality of life,” paliwanag ni Herrera.

Leave a comment