
Iginiit ni Senador Panfilo Lacson na dapat na paigtingin ang contact tracing para maiwasan ang pagkalat ng Omicron variant ng Covid-19.
Ayon kay Lacson, pananagutan ng pamahalaan na hanapin ang dalawang indibiduwal na tinukoy ng Department of Health (DOH) na kaso ng Omicron.
“Contact tracing is key. The two have been here for quite a while. I hope all their co-passengers – and those whom they got in contact with before the detection of the Omicron variant – are all accounted for and closely monitored,” sa Twitter account ni Lacson.
Una nang kinumpirma ng DOH ang dalawang kaso ng Omicron sa bansa mula sa isang overseas Filipino workers (OFW) na bumalik sa bansang Japan at isang Nigerian nationa na dumating sa bansa mula Nigeria.
Sa kasalukuyan ay naka-isolate na ang nasabing mga indibiduwal na binabantayan ng Bureau of Quarantine.
Sinabi pa ni Lacson na dapat na kumilos ang pamahalaan at ang publiko upang hindi na kumalat ang Omicron variant na makakaapekto sa ekonomiya at kalusugan ng mga Filipino.
“It bears repeating that while the government must learn from past lapses to deal with the new variant, the public must also do their part by observing distancing and other health protocols,” sabi ng senador. (noel abuel)
-30-
