
Nagbabala si dating Senatorial candidate at dating House Speaker Alan Peter Cayetano na malulunod sa utang ng mga overseas Filipino workers (OFWs) at kanilang mga pamilya dahil sa e-sabong.
Ayon sa mambabatas, ito ay sa gitna ng diskusyon ng Senate Committee on Public Service ukol sa aplikasyon para sa 25-taong prangkisa ng e-sabong operator na Lucky 8 Star Quest Inc. nito lamang ika-9 ng Disyembre, mahigit-kumulang tatlong buwan pagkatapos aprubahan ng Lower House ang nasabing panukala.
Ayon kay Senate Public Services Committee chair Senator Grace Poe, mas nanaiisin nitong sumailalim ang naturang panukala sa isang technical working group (TWG) process upang makita kung ano nga ba ang problemang dulot nito sa pamayanan.
Sinang-ayunan naman ito ni Cayetano dahil ito aniya ang dapat makita muna kung ano ang katumbas na epekto ng e-sabong sa pamilyang Pilipino.
Dagdag pa nito, milyun-milyong pamilya ng OFW na dati rati’y financially stable ay naapektuhan ang kita dahil sa pandemya.
Ito umano ang dahilan kung kaya’t mariin nitong tinututulan ang operasyon ng e-sabong.
Binanggit din ni Cayetano ang ilang mga balita na may mga batang nalulong sa e-sabong na nagresulta ng pagkalunod nila sa utang o kaya nama’y sa suicide. (noel abuel)
