Sen. Recto biggest spender: Sen. Go matipid– COA

Ni Noel Abuel

Tinukoy ng Commission on Audit (COA) na nanguna si Senador Ralph Recto sa mga senador na may pinakamalaking ginastos noong 2020.

Ayon sa COA, gumastos ang tanggapan ni Recto na P116.824 milyon base sa breakdown ng P2.256 bilyon na total expenses ng Senado.

 Sa official COA website, kasama ang mga suweldo ng bawat senador;  hindi pangkaraniwan at iba’t ibang mga gastos;  lokal at dayuhang paglalakbay ng mga mambabatas at kanilang mga tauhan;  sahod at benepisyo ng kawani;  mga bayad sa propesyonal at pagkonsulta;  pagrenta ng mga sasakyan at kagamitan;  mga pagpupulong at kumperensya;  at iba pang mga item na ikinategorya bilang “iba pang mga gastos sa pagpapanatili at pagpapatakbo (OMOE).

Inilabas ng COA ang breakdown ng gastos at walang tinukoy na iregularidad.

Sumunod kay Recto na may malaking gumastos si Senate President Tito Sotto III na nakapagtala ng P107.692 milyon total expenses noong nakaraang taon.

Maliban kina Recto at Sotto, anim na senador pa ang nakapagtala ng P100 million mark kabilang sina Senador Sherwin Gatchalian (P104.908 million), Ronald “Bato” dela Rosa (P104.35 million), Senador   Francis Pangilinan (P104.189 million), Senador    Manny Pacquiao (P103.84 million), Senador   Juan Miguel Zubiri (P103.225 million), at Senador Grace Poe- Llamanzares (P100.448 million).

                Pang-9 naman si Senador Leila de Lima (P97.853 million) at pang 10 si Senador Ramon “Bong” Revilla Jr.  (P96.961 million).

                Maliban naman kay Go, kasama rin sa matipid si  Senador Franklin Drilon (P73.797 million) habang si Go ay P65.496 milyon.

Leave a comment