Gatchalian sa NEA: Saklolohan ang electric coops na sinalanta ni ‘Odette’

PASAY CITY – Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture chairman Senator Win Gatchalian at the Senate during the session, 15 Feb. 2021. The senator has been emphasizing the important role of keeping girls in school, where they can access information and sexuality education and identified also the need to amend the law on statutory rape as a means of running after abusers preying on young girls. Photo by Mark Cayabyab/OS WIN GATCHALIAN

Ni NOEL ABUEL

Nanawagan si Senador Win Gatchalian sa National Electrification Administration (NEA) na gamitin ang Electric Cooperatives Emergency and Resiliency Fund (ECERF) na may P200 milyon para sa taong ito.

Ayon sa senador, ito ay upang mapabilis ang pagkukumpuni ng mga linya ng kuryente at iba pang power infrastructure na sinalanta ng bagyong Odette.

“Sa lakas ng pinsala ng bagyong Odette, huwag naman sanang umabot pa ng pasko ang brownout sa ilang lugar sa bansa. Nananawagan ako sa NEA na gawan ng paraan ang pinangangambahan ng mga kababayan natin upang makapagdiwang sila ng pasko nang normal,” sabi ni Gatchalian.

Ayon sa Department of Energy (DOE), gagawin nito ang lahat ng makakaya upang maibalik ang kuryente sa mga apektadong lugar kasunod ng pangamba na baka abutan pa sila ng madilim na Pasko.

Sinabi ng senador, mas mapapadali ang pagtatasa o pag-assess ng lawak ng pinsala at koordinasyon para sa emergency relief ng mga apektadong pamilya kapag may kuryente.

Si Gatchalian ang principal author at sponsor ng Republic Act No. 11039 o ECERF Law na layong magbigay ng agarang financial assistance sa electric cooperatives (ECs) para sa pagsasaayos ng mga nasirang linya ng kuryente at distribution facilities.

Dahil sa naturang batas, maiiwasan din ani Senador Gatchalian na ipasa ng ECs sa mga konsyumer ang ilang dagdag na gastusin sa kanilang buwanang electricity bill.

“Dahil sa fund program na ito, masisiguro natin na maibabalik agad ang kuryente sa mga apektadong lugar sa lalong madaling panahon,” ayon kay Gatchalian.

Leave a comment