Financial help sa seafarers at OFWs iginiit sa OWWA

Ni NOEL ABUEL

Kinalampag ng isang kongresista ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para tulungan ang  mga overseas Filipino workers (OFWs) na naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Odette.

Ayon kay MARINO party list Rep. Sandro Gonzalez, dapat na bigyan ng OWWA ng financial assistance ang pamilya ng mga seafarers at iba pang OFWs para sa pagsasaayos ng kanilang mga tahanan na sinira ng malakas na hangin dulot ng bagyo.

 “I am calling on OWWA to extend financial assistance to families of seafarers and OFWs specifically for the reconstruction or repair of their houses destroyed by the typhoon. It can be the start of rebuilding their lives. I suggest this should be the priority of OWWA while the other government agencies are addressing the immediate basic needs of the victims,” sabi ni Gonzalez.

Iginiit pa nito na dapat magbigay ng pinansiyal na tulong ang OWWA nang hindi nangangailangan ng maraming dokumento at sumailalim sa maraming mga hakbang.

                “Nakikiusap ako sa OWWA na huwag na sanang hingian ng maraming dokumento ang mga pamilyang dapat mabigyan ng financial assistance. Basta mapatunayan lang na asawa, anak, o magulang ng seaman o OFW at winasak ni ‘Odette’ ang bahay nila, palagay ko puwede nang i-release agad ang pera,”apela pa nito.

Pinuri rin ng mambabatas ang mga Filipino kasama na ang mga nasa ibang bansa na agad na tumugon sa pangangailangan ng mga naapektuhang pamilya dahil sa bagyo sa pamamagitan ng pagpapadala ng relief goods at cash donations.

 “Once again, the Filipino people have shown and proven to all that we are willing and capable of forging the strongest and widest unity when disasters like this strike. I have unwavering faith in our humility to set aside differences to wield our character as a resilient nation in facing challenges like calamities,” ayon pa kay Gonzalez.

Leave a comment