BI nag-abiso sa airline travelers: Agahan ang pagpunta sa paliparan

Ni MJ Sullivan

Ipinaalala ng Bureau of Immigration (BI) sa mga manlalakbay na palabas ng bansa ngayong panahon ng Christmas holidays na agahan ang pagpunta sa paliparan upang payagan ang ahensiya na ipatupad ang mahigpit na social distancing.

Sa isang pahayag, sinabi ni Immigration Commissioner Jaime Morente na ang bibiyahe palabas ng bansa ay dapat na mas maagang dumating sa airport kaysa sa nakaiskedyul nilang paglipad para matiyak na mayroong sapat na oras para suriin sa kanilang airlines at tiyakin ang social distancing sa mga immigration area.

Inihalimbawa pa nito na ang mga local airlines na payuhan ang kanilang mga pasahero na mag-check-in sa loob ng 3-4 oras bago ang nakatakdang biyahe ng mga ito.

Sinabi pa ni Morente na sa mga nakalipas na araw ay kapansin-pansin ang pagdami ng bilang ng mga international travelers na umaalis sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at sa iba pang paliparan tulad ng Mactan, Cebu at Clark, Pampanga habang papalapit ang Christmas season.

“While there are significantly less travelers this year because of the pandemic, there could still be congestion for late passengers rushing during boarding time.  We can help avoid congestion during boarding by checking in early,” sabi ni Morente.

Aniya, dahil  sa pandemya, ang mga airlines ay dapat na magsagawa ng karagdagang pagsisiyasat kung nakakasunod sa travel restrictions ng mga bansang pupuntahan ng mga pasahero nito.

Idinagdag pa ni Morente na ang mga paalis ng bansa na mga pasahero ay dapat na masiguro na kumpleto ang mga travel requirements nito at maging ang dagdag pang travel requirements na hinihingi ng ibang bansa dahil na rin sa Covid-19 pandemic.

Samantala, nakaalerto na rin ang mga tauhan ng BI sa posibleng pagsasamantala ng ilang sindikato ng human trafficking at illegal recruiters sa holiday rush.

“Our immigration officers are always on the lookout for suspected human trafficking and illegal recruitment victims. Despite the holiday rush, we will ensure that our kababayan are protected from these predators, and we will turnover any victims to the Inter-Agency Council Against Trafficking for filing of cases against their recruiters,” babala pa ni Morente.

Leave a comment