Supply ng pagkain pinatitiyak ng senador

Senator Christopher “Bong” Go

Ni NOEL ABUEL

Umapela ang isang senador sa mga manufacturers and retailers na siguruhing sapat ang supply ng mga pangunahing bilihin partikular ng pagkain at gasolina sa mga lalawigan ng sinalanta ng bagyong Odette.

Kasabay nito nagbabala si Senador Christopher “Bong” Go sa mga retailers na huwag magsamantala sa kasalukuyang sitwasyon sa pamamagitan ng pagdaragdag sa presyo ng produkto ng mga ito.

Una nang nagpatupad ang Department of Energy (DOE) ng price freeze sa lahat ng household liquified petroleum gas at kerosene sa mga lugar na isinailalim ng state of calamity kung saan sinumang lalabag dito ay makukulong ng isang taon at pagmumultahin ng P5,000.

“Dapat i-monitor ng DTI dahil dapat walang mag-take advantage sa sitwasyon. Ito ‘yung panahon na dapat na tumulong instead of mag-take advantage kayo. Kung gusto niyo talagang tulungan ang ating mga kababayan, magbigay kayo ng discount. ‘Yon na lang po ang tulong ninyo sa ating mga kababayan,” sabi ni Go.

“So, I’m appealing sa mga negosyante na tulungan natin ang ating mga kababayan. I am urging the national government, DTI na i-monitor ‘yung presyo at kung maaari may price freeze,” dagdag pa nito.

                                               

Leave a comment