Makati nilagpasan ng QC sa pinakamayang LGU

Nalagpasan na ng Quezon City government ang Makati City sa usapin ng pinakamayamang local government units (LGUs) sa buong bansa.

                Sa inilabas na 2020 Annual Financial Report (AFR) ng Commission on Audit (COA) noong Disyembre 22, nakapagtala ang QC government ng kabuuang assets na P452.333 bilyon noong 2020 upang malapasan ang Makati City  na mayroon lamang na assets na P238.465B.

Pumangatlo namang LGU ang probinsya ng Cebu na mayroong P213 bilyong total assets.

                Sa 373-page report ng COA, 81 probinsya habang 145 syudad sa kabuuang 146 syudad, at 1,447 sa kabuuang 1,488 munisipalidad, ang nagsumite ng kanilang 2020 financial statements para sa 97.6 compliance.

                Nabatid na noong 2019 AFR, nakapagtala lamang ang QC ng P96.423B assets subalit agad itong tumaas sa P401.768B matapos na makumpleto ng city government ang assessment sa mga donated land assets sa pagitan ng 1964 hanggang 2003 na umabot sa halagang P347.35B.

                Maliban sa QC, Makati at Cebu province, kasama rin sa pinakamayang syudad ang Manila, P76.548B; Pasig City, P49.511B; Cebu City, P34.754B; Mandaue City, P32.571B; Taguig City, P30.682B; Davao City, P23.664B: Caloocan City, P22.203B; at Zamboanga City, P19.775B.

                 Samantala, 10 munisipalidad ang natukoy na pinakamayaman kabilang ang Limay, Bataan, P4.463B; Silang, Cavite, P4.239B; Caluya, Antique, P3.502B; Cainta, Rizal, P3.473B; Taytay, Rizal,  P3.119B; Binangonan, Rizal, P2.804B; Sual, Pangasinan, P2.678B; Carmona, Cavite, P2.472B; Rodriguez, Rizal, P2.391B at Mariveles, Bataan, P2.379B.

Leave a comment