Pag-amiyenda sa Solo Parents Welfare Act pinamamadali

Senador Christopher “Bong” Go

Pinamamadali ni Senador Christopher “Bong” Go ang pag-amiyenda sa Solo Parents’ Welfare Act of 2000 upang matulungan ang mas maraming solo patents sa bansa lalo na ngayong tumama ang pinamakalakas na bagyo ngayong taon.

Ayon kay Go, kinikilala nito ang sakripisyo ng mga solo parents dahil sa karamihan sa mga ito ay napipilitang magtrabaho kahit may pandemya pa.

“Hindi biro ang magpalaki ng anak ng solo lang tayo pero ang importante kasama natin sila, hindi ba? Mas masaya at masarap ito sa pakiramdam. Kaya kahit nasaan kayo sa Pilipinas, talagang tumutulong ako at sinasama ko ang mga solo parents,” sabi ni Go.

 Taong 2020 nang ihain sa Senado ang Senate Bill No. 1411, na naglalayong maging komprehensibo ang pamamahagi ng social protection services sa mga solo parents at kanilang mga anak sa pamamagitan ng livelihood opportunities at counseling services.

Ang lahat naman ng mga may trabahong solo parents ay magiging kuwalipikado sa 7-araw na parental leave with pay na ipinasa na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado kamakailan.

 Hinikayat pa ng senador ang mga magulang at iba pang karapat-dapat na residente na kunin ang kanilang COVID-19 shots.                

Iginiit nito ang pangangailangang mabilis na subaybayan ang bakuna ng maraming kwalipikadong Pilipino hangga’t maaari para makamtan ang herd immunity at makabalik na sa normal na pamumuhay ang lahat ng Filipino.

Leave a comment