Emergency employment sa mga seafarers ipinanawagan

Ni NOEL ABUEL

Umapela ang isang party list group sa pamahalaan na pagkalooban ng emergency employment at financial aid ang mga seafarers, port workers na nawalan ng trabaho dahil sa pananalasa ng bagyong Odette.

Ayon kay Marino party-list Rep. Sandro Gonzalez, nasa 1,000 maritime industry workers, kabilang ang mga seafarers at port workers ang nawalan ng trabaho dahil sa bagyo kung saan nasa 120 vessels na pag-aari ng Philippine Coastwise Shipping Association ang nasira at hindi na mapakinabangan.

“We should take the necessary steps in this direction. I know that providing emergency employment and financial assistance is a regular program of the administration. That is why I believe that our call to immediately give emergency, albeit temporary, jobs to seafarers and port workers displaced by ‘Odette’ is in order,” sabi ni Gonzalez.

Sinabi naman ni Atty. Collin N. Rosell, isa sa nominee ng nasabing party list group, na nangangailangan ang mga shipping industry workers ng trabaho kung saan kahit pansamantalang trabaho lang ay maaari na sa mga isinasagawang infrastructure projects ng pamahalaan.

“President Duterte has many ongoing infrastructure projects nationwide. The government can hire the displaced seafarers and port workers to work in these projects,” ani Rosell.

“Subok na masipag at maaasahan ang ating mga seafarer kaya nga bilib sa kanila ang ibang bansa. Pati ang ating mga port workers ay maaasahan din. Kaya ‘pag binigyan mo mga ‘yan kahit na mahirap na trabaho, sigurado walang reklamo basta kikita para sa ikabubuhay ng kanilang pamilya,” sabi naman ni Karl Castello, ang ikalawang nominee ng partido.

Leave a comment