Pamumulitika sa pamamahagi ng relief goods pinaiimbestigahan

Ni NOEL ABUEL

Pinaiimbestigahan ng isang kongresista ang umano’y  mga ulat na ilang pulitiko ang nagsasamantala sa mga relief aids para sa mga biktima ng bagyong Odette sa probinsya ng Surigao del Norte.

Hiniling ni Surigao del Norte 2nd district Rep Robert Ace S. Barbers sa Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na siyasatin kung may katotohanan ang lumabas sa mga social media na ilang relief goods na dinadala sa nasabing probinsya ay nire-repack ng ilang abusadong pulitiko.

Aniya, nakarating sa kaalaman nito na ilang pulitiko umano ang naglalagay ng pangalan at larawan ng mga ito  sa ibinibigay na relief goods na nanggaling mula sa donasyon.  

Sinabi pa ni Barbers na sakaling mapatunayan na nangyayari nga ito ay dapat na sampahan agad ng kaso ang sinumang pulitiko para mapanagot.

“This is not the time to advance political interest. Our people need aid and life savers, not political gimmicks. Let us put the interest of people above all else and put order in the distribution system. In our Asian neighbors, people line up and wait.  No names or pictures of politicians appear on the boxes and bags of relief goods.  We must emulate these disciplined practices and set good examples to our constituents,” paliwanag pa ni Barbers.

Samantala, nagpasalamat naman ang kongresista sa mga ahensya ng pamahalaan na nangunguna sa relief operations sa nasabing lalawigan.

Leave a comment