PRRD wala pang napipiling presidential bet

Pangulong Rodrigo Duterte at Senador Christopher “Bong” Go

Ni NOEL ABUEL

Kinumpirma ni Senador Christopher “Bong” Go na hanggang sa kasalukuyan ay wala pang napipisil si Pangulong Rodrigo Duterte na susuportahang presidential candidate dahil sa abala pa rin ito sa pagtulong sa mga naapektuhan ng nagdaang bagyong Odette.

 “Up to this date, wala pa po. At parang ayaw munang pag-usapan ni Pangulong Duterte ang pulitika dahil nasa krisis pa nga tayo. Pangit naman pag-usapan ang pulitika dahil mayroon pa ngang mga biktima ng typhoon at nasa gitna pa tayo ng krisis ng COVID-19… Hopefully, sana bago mag-formal campaign period ay mayroon nang mapupusuan si Pangulong Duterte para naman makampanya rin ‘yung tao,” paliwanag pa ni Go.

Sinabi pa nito na kung ano ang magiging desisyon ni Pangulong Duterte ay susuportahan din aniya nito lalo na kung itutuloy ang mga programa at inisyatibo ng administrasyong Duterte para sa mga Filipino.

“Ako naman po, kung sino ang gusto niya at makakapagpatuloy ng mga programang inumpisahan ni Pangulo, ‘yon ang aking susuportahan. I am willing to campaign doon sa makakapagpatuloy ng mga magagandang programa ni Pangulong Duterte,” ayon pa dito.

 “Halimbawa itong Build, Build, Build programs; ‘yung ating Malasakit Centers; itong campaign against drugs, criminality and campaign against corruption; mga services for the poor like free education at marami pang mga programa na nakakatulong sa mga mahihirap,” dagdag pa ng senador.

Leave a comment