145k international travel naitala ng BI

Ni MJ SULLIVAN

Nakapagtala ang Bureau of Immigration (BI) ng mahigit sa 145,000 travelers na umalis ng Pilipinas sa panahon ng holiday season.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ang nasabing bilang ng mga pasahero ay umalis ng bansa ngayong buwan ng Disyembre.

“The number of international travelers remain low despite the holiday season. By the end of the year, we’re expecting the numbers to rise a little, perhaps around 20 to 50 thousand more passengers, but we’re still not seeing pre-pandemic figures,” sabi ng opisyal.

Nanguna ang mga Filipino sa mga bumiyahe palabas ng bansa sa buwan ng Disyembre na nasa 117,795 at sinundan ng mga Americans sa 7,776, Indians na 2,908, Chinese na 2,509 at Japanese na nasa 2,190.

Paliwanag pa ni Morente dahil sa ipinatutupad na travel restrictions at quarantine requirements dahil sa Omicron variant ang dahilan kung kaya’t bumaba ang bilang ng mga umaalis ng bansa.

Inihalimbawa pa nito na noong bisperas ng Kapaskuhan at sa mismong araw ng Kapaskuhan ay nasa 7,000 departing travellers ang naitala na dobleng bilang na naitala noong 2020 na 3,854.

“The usual busy Christmas eve and Christmas day still had a low number of travelers. But we’re happy to be seeing better figures than last year,” ayon pa kay Morente.

Kumpiyansa aniya ito na sa mga susunod na buwan ay maraming international travel sector ang muling mabubuhay kasunod na rin ng pagbaba ng kaso ng Covid-19 variants.

Leave a comment