
Ni NOEL ABUEL
Pinapurihan ng Ang Probinsyano party list ang mga linemen at electrical engineers sa mabilis ng mga itong pagtugon para maibalik ang supply ng kuryente sa mga lugar na sinalanta ng nagdaang bagyong Odette.
Pinangunahan nina AP Party-list nominees Ronnie Ong at Chris Tio ang pagbibigay pagkilala sa mga tauhan ng Visayan Electric Company (VISELCO) tinagurian nnitong “Heroes of Odette” dahil sa inilagay ng mga ito ang kanilang kaligtasan para lang maisaayos ang nasirang mga power lines at transmission towers.
Bilang regalo nagbigay ng AP party list ng mga pagkain na pinagsaluhan ng mga pamilya ng VISELCO sa Christmas Noche Buena.
Paliwanag ni Ong, labis itong nagulat at nalungkot nang malaman ang sakripisyo ng mga linemen at electrical engineers ng VISELCO para maibalik ang supply ng kuryente sa Metro Cebu.
“These guys also have homes and families that were in Odette’s path but they chose duty first. Many of them lost their homes and their families were also in a dire situation but they chose to serve our people first. In my book, they are heroes. They are the Heroes of Odette,” ani Ong.
“That is why we decided to make a tribute just to thank them for their sacrifice. We have also given them assorted baked goodies for their Noche Buena because we know how difficult it is to be in the frontlines,” dagdag pa nito.
Sa pinakahuling datos ng VISELCO, naibalik na ang supply ng kuryente sa 98,321 ng kabuuang 474,182 naapektuhang customers, at na-restored ang 288 o 52.9 porsiyento ng 544 power line segments sa franchise area nito.
