Magtipid ng tubig!

Angat Dam

Ni NOEL ABUEL

Umapela sa publiko ang isang mambabatas na maging responsable sa pagkonsumo ng tubig dahil sa unti-unti nang nababawasan ang water level ng Angat Dam.

Ayon kay Deputy Speaker at Valenzuela City Rep. Eric Martinez kailangang magtipid ng lahat ng residente ng Metro Manila ng pagkonsumo ng tubig bago pa mahuli ang lahat na magkaroon na ng kakapusan ng supply bago sumapit ang panahon ng tag-ulan.

Aniya, nabigo ang Angat Dam na maabot ang target nito noong nakaraang buwan na 212 meters, ayon na rin sa PAG-ASA’s website.

“Residents within Metro Manila should be wary of their water consumption, most especially for the months leading to the dry season. Let us pactice the usual conservation measures we do at home such as opting for dippers as alternative to showers when taking baths, utilizing excess water for other activities, and overall being mindful about water’s scarcity,” panawagan pa ni Martinez.

Nanawagan din ito  sa pamahalaan na ilatag ang plano nito sa banta ng kakapusan ng supply ng tubig sa National Capital Region (NCR) at sa karatig lalawigan.

“All the necessary contingency measures must now be put in place by the NWRB (National Water Resources Board) to ensure a stable supply for Metro Manila’s residents, for the most part, we are still dealing with a deadly corona virus and proper hygiene is of prime importance,” paliwanag pa nito.

Nabatid na ang Angat Dam ang pangunahing water source ng Metro Manila kung saan 98 porsiyento nito ay may katumbas na storage capacity na aabot sa 850 million cubic meters.

Leave a comment