Ni MJ SULLIVAN
Iniulat ng Bureau of Immigration (BI) na nakapagtala ang ahensya ng 100 porsiyento ng international travellers noong panahon ng Bagong Taon kung ikukumpara sa nakalipas na taon.
Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, sa nagdaang New Year’s eve at New Year’s Day, ang bilang ng mga dumating na pasahero ay naitala sa 10,140 na halos doble sa 5,791 naitala noong nakaraang taon.

Samantala, ang bilang naman ng mga umalis ng bansa sa nasabing panahon, nadagdagan ito mula sa 3,770 noong nakaraang taon ay naging 6,951 lamang ito.
“The trend shows a steady improvement in the number of travelers. While the figures remain low, this is a significant improvement from last year. We’re hoping to see better numbers this 2022,” sabi ni Morente.
Sinabi naman ni BI Port Operations Division Chief Atty. Carlos Capulong na naging maayos ang airport operations sa panahon ng holiday season.
“We ensured that our manpower was maximized as we anticipated an increase in travellers. We also ensured that our e-gates are serviceable to be able to ease lines and ensure social distancing,” sabi nito.
Magugunitang nagpakalat ang BI ng 99 bagong tauhan nito para makatulong sa inaasahang pagdating ng maraming overseas Filipino workers (OFWs) at balikbayan sa bansa.
