
Ni NOEL ABUEL
Nanawagan si Senador Panfilo Lacson sa mga kapwa nito senador na huwag payagan ang pagtatangka ng Partido Demokratiko Pilipino-Laban na ma-delay ang May 2022 elections at palawigin ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Lacson na hindi maiiwasang isipin na ang intensyon ng pahahain ni Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso Cusi ng petisyon upang buksan muli ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) ay upang ipagpaliban ang halalan.
“I would not like to think that the intention of the petition to reopen the filing of the COCs filed by the PDP-Laban is to delay the election on May 9, 2022 – and pave the way for the extension of the term of office of the President beyond June 30, 2022. This is something the 1987 Constitution clearly forbids,” sabi ni Lacson.
Dahil dito, iginiit ni Lacson kay Senate President Tito Sotto at sa kanyang mga kasamahan na hindi nila maaaring payagang mangyari ang senaryong ito.
Upang mapangalagaan ang presidential line of succession, inirekomenda ni Lacson na maghalal ang mga senador ng bagong Senate President bago ang mag-adjourn ang sesyon sa Hunyo.
Ang senador na ihahalal bilang Senate President ay kinakailangang may termino hanggang June 30, 2025 at siyang aakto bilang Pangulo ng bansa hanggang maihalal ang bagong Presidente at Bise Presidente.
Kinumpirma naman ni Sotto na pinag-usapan nila ni Lacson ang rekomendasyon kasabay ng pangako na pananatili nila ang Senado bilang tagapagtanggol ng demokrasya ng bansa.
“As I have suggested earlier to Senate President Vicente Sotto III and some of my colleagues, the Senate must not allow this to happen. We can preserve the presidential line of succession as provided under Art. VII Sec. 7 of the 1987 Constitution,” aniya pa.
Sa panig naman ni Senador Leila de Lima, sinabi nitong walang sinumang exempted mula sa itinakdang deadline ng Commission on Elections (Comelec) sa paghahain ng COC sa lahat ng elective positions sa 2022 national elections.
“The petition of the PDP-Laban Cusi wing to open anew the period for filing COCs reeks of privilege,” sa kalatas nito.
