Kalusugan ng mga Filipino hamon sa susunod na lider ng bansa

Rep. Alan Peter Cayetano

Ni NOEL ABUEL

Malaking hamon sa susunod na administrasyon ang usapin ng kalusugan ng bansa na dapat na maging prayoridad ng darating na mamumuno sa bansa.

Ayon kay dating  House Speaker Alan Peter Cayetano, mahalaga ang physical, mental, financial, at spiritual na maging prayoridad sa 2022.

“Magkakaroon din tayo ng transition dahil magkakaroon ng bagong Pangulo, isa ring challenge ito, pero ‘yun din ang haharapin niya eh, ‘yung health ng ating mga kababayan, ” sabi ni Cayetano.

Sinabi nito na ang unang hamon ay pagpapanatili ng pisikal na kalusugan ng mga mamamayan dahil ang COVID-19 pandemic ay nakakaapekto pa rin sa bansa.

 “First our physical health, ‘wag magka-COVID, at ‘yung dati nang may sakit, kung pa’no to get the medical care. Forty-five percent ng mga barangay sa Pilipinas walang primary health care, walang barangay health centers. So challenge ito,” paliwanag pa ni Cayetano.

Sinabi pa nito na ang kailangan ngayon ng bansa ay pabilisin ang vaccination program partikular ang pagbibigay  ng booster shots sa gitna na rin ng banta ng Omicron variant.

“Sa ibang bansa, ‘pag sinabi mong ‘fully vaccinated,’ tatlo na ‘yan, kasama ang booster. Pinag-uusapan na nga ‘yung pang-apat eh,” aniya.

 “Spiritual health… unfortunately imbis pigilan maraming tinulak ngayon, ‘yung e-sabong, may e-casino pa raw, e-cigarettes, at ‘yung vape. ‘Yung mga causes ng addiction,” dagdag pa nito.

Leave a comment