Pagpapaliban sa Traslacion 2022 iniapela ni PRRD

Umapela sa Simbahang Katolika partikular sa Quiapo church si Pangulong Rodrigo Duterte na ipagpaliban muna ang nakatakdang Traslacion at misa para sa Itim na Nazareno ngayong taon dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 infections sa bansa.

Sa ginanap na Talk to the People ng Pangulo ay kinilala nito na mahalaga para sa Simbahang Katolika ang pagsasagawa ng naturang taunang okasyon.

Ngunit ayon sa Pangulo, umaasa ito na mauunawaan ng publiko na may pananagutan ang gobyerno sa mga tao sakaling magkamali ito sa mga susunod na hakbang nito.

Iginiit ng Punong Ehekutibo na trabaho nila gumawa ng mga kritikal na desisyon na poprotekta sa public health at public safety.

Inihayag pa ng Pangulo na bawal ang mga malalaking pagtitipon sa ngayon lalo na’t milyun-milyon ang mga deboto ng Itim na Nazareno ang inaasahang dadalo kung walang COVID-19 virus.

Leave a comment