QC government dapat maging transparent sa Vax Easy registration system– Defensor

Rep. Mike Defensor

Ni NOEL ABUEL

Iginiit ni Anakalusugan Rep. Mike Defensor sa Quezon City government na maging transparent sa mga nagpaparehistro kung anong bakuna ang matatanggap ng mga ito sa vaccination center.

“The Quezon City LGU should be transparent in its registration process by making clear what vaccines are available so people would not waste their time or feel deceived,” sabi ng kongresista.

Ayon kay Defensor, mismong ang Department of Health (DOH) na ang naglabas ng panuntunan hinggil sa mix-and-match ng mga  bakuna at booster shots kung kaya’t dapat na gamitin ng mga LGUs sa kanilang mga registration websites kung anong bakuna ang ibibigay.

Inihalimbawa nito ang Vax Easy registration system ng QC government na hindi ipinapakita kung anong brand ng bakuna ang ibibigay sa vaccination center.

“All it shows are the inoculation centers and the number of slots still available, leaving the registrant to guess which booster to choose,” aniya.

Tinukoy ni Defensor ang mix-and-match guidelines ng DOH na ang mga nakatanggap ng primary shots ay may opsyon na mamili ng Sinovac, AstraZeneca, Pfizer o Moderna bilang booster.

Leave a comment