Foreigners na hindi bakunado bawal sa BI offices sa malls — Morente

BI Commissioner Jaime Morente

Ni MJ Sullivan

Nilinaw ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente na kailangang sumunod sa COVID-19 restrictions ng pamahalaan ang lahat ng indibiduwal kabilang ang mga dayuhan na magtutungo sa satellite offices ng BI sa mall.

Sinabi ni Morente, na base sa resolusyon ng Metro Manila Council (MMC) at ng Malacanang na bawal pumasok sa mall, restaurants  gayundin sa mga dayuhang may transakyon sa BI ang hindi bakunado.

“While we allow the online appointment of unvaccinated aliens who would need to extend their visas, they may only do so in our offices not located inside malls,” sabi ni Morente.

Idinagdag pa nito na ang mga dayuhan ay sakop ng restrictions na itinakda ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) kung saan sinumang hindi susunod dito ay agad na mahaharap sa deportation proceedings.

Magugunitang noong 2020, kinasuhan ng BI ang isang lalaking Spanish dahil sa pagiging undesirable alien at overstaying matapos nang makita sa video na nakikipagtalo sa mga pulis dahil sa paglabag sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) policies.

Leave a comment