Payagang mag-walk in ang sr. citizens sa vaccine centers — solon

Rep. Rodolfo Ordanes Jr.

Ni NOEL ABUEL

Umapela sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at sa Metro Manila mayors ang isang kongresista na payagang mag-walk in ang mga hindi pa nababakunahang senior citizens at A3 groups sa National Capital Region (NCR) sa mga vaccination centers.

Sa sulat na ipinadala ni Senior Citizen party list Rep. Rodolfo Ordanes Jr. kay MMDA Chairman Benjamin “Benhur” Abalos, Jr. na may petsang Enero 7, hiniling nito na paigtingin din ang door-to-door vaccines sa mga seniors at mga kabilang sa A3 groups.

Paliwanag ni Ordanes malaking sagabal ang COVID pre-registration procedures kung kaya’t maraming senior citizens ang umaatras na magpabakuna.

Aniya, nasa 1.5 milyon ang bilang ng mga unvaccinated seniors hanggang sa kasalukuyan.

Idinagdag pa ng mambabatas na kung papayagan lamang ang mga seniors at A3 sa walk-ins ay makakatulong ito para maabot ng NCR ang mabilis na herd immunity.

Leave a comment