Gobyerno dapat tumanggap ng bagong inobasyon vs COVID-19 virus — Rep. Cayetano  

Ni NOEL ABUEL

Dapat na kumilos ang pamahalaan na ipaliwanag sa taumbayan na ang COVID-19 virus ay hindi na nawawala sa buhay ng tao kung kaya’t dapat na mag-ingat lagi.

Ayon kay dating House Speaker Alan Peter Cayetano, dapat ay natuto na ang lahat sa mga nakalipas na taon na ang dulot ng nasabing virus.

“Pwedeng grumabe, pwedeng bumaba ang cases, pwedeng humina ‘yung virus, pwedeng magkaroon ng kung anuman, pero it’s here to stay. Ilang beses na ba tayong nabulaga ng COVID? Nabulaga tayo ng Delta, nabulaga tayo ngayon ng Omicron, tapos sinasabi fully vaccinated na pero sa ibang bansa eh third dose na, pinag-uusapan na rin ang fourth dose,” sabi nito.

Sinabi ni Cayetano na ang kasalukuyang kaisipan dulot ng mas maluwag na restrictions noong nakaraang taon ay maaaring makahadlang sa mas progresibong paraan sa pakikitungo sa Omicron variant pati na rin ang iba pang mga posibleng hinaharap variants ng COVID-19.

 “Nagtatrabaho naman talaga ang gobyerno, lalo na ‘yung local government, o IATF, pero ‘yung mindset kasi parang matatapos na ang pandemic, may bakuna na, may gamot na, eh all the doctors have been telling us, we have to live with COVID, hindi basta mawawala ito,’” ani Cayetano.

Idinagdag pa nito na dahil sa kilalang optomistic ang mga Filipino, ay hindi naman bukas ito sa mga bagong inobasyon at pagharap sa COVID-19 sa pamumuhay.

“We cannot innovate, we cannot adapt kung ang parati nating iniisip ‘matatapos na’ (if our mindset is that the pandemic is about to end),” aniya pa.

Sinabi pa ni Cayetano kahit walang lockdowns at iba pang restrictions,  ang patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 ay kailangan na ang pamahalaan ay magbigay ng financial assistance sa lahat.

“For example, some restaurants here in Metro Manila nagsara by themselves not because walang customer, not because of lockdown, but because ang dami nilang crew at sa kitchen na nag-positive sa COVID-19. Kung ‘yan ay breadwinner, tapos pati ‘yung hindi nag-positive madamay, ‘pag nagsara ‘yung restaurant ng one week, two weeks, three weeks ay walang kakainin ‘yung pamilya nila kung wala tayong mabibigay na ayuda,” paliwanag pa ni Cayetano.

Ang magandang balita aniya ay may hawak na kabuuang P80 bilyon ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), ang Department of Labor and Employment (DOLE), ang Department of Transportation (DOTr), at ang Department of Trade and Industry (DTI) para maipamahagi bilang financial assistance.

“Ang bad news, napakaliit ng P80 billion. So kung magla-lockdown tayo, mangangapa na naman tayo kung saan tayo kukuha, so napakaimportante na sa bawat galaw natin, we try to predict the unpredictable,” sabi nito.

Leave a comment