Proteksyon sa hanay ng media napapanahon na– solon

Rep. Rowena Niña Taduran

Ni NOEL ABUEL

Nagpasalamat si ACT-CIS party list Rep. Rowena Niña Taduran sa Philippine National Police (PNP) sa agarang pagtatalaga ng mga pulis na magbibigay ng proteksyon sa lahat ng mga mangaggawa sa media, lalo na sa panahong ito ng eleksyon.

Kasabay nito pinuri rin ng kongresista si Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS)  Executive Secretary Joel Sy Egco dahil ito ang nagdulog sa Department of the Interior and Local Government (DILG), na agad namang inatasan ang PNP na magtalaga ng Media Security Focal Persons sa mga probinsiya at siyudad sa buong bansa.

“Media workers face threats, pressure and intimidation in relation to their work especially during election period. Armed with nothing but their pens and their words, they bravely do their jobs amidst all challenges. We don’t want another Maguindanao massacre to happen wherein journalists sacrificed their lives to deliver the news. They need protection to bring out the truth to the public,” paliwanag ni Taduran.

Nababahala ang mambabatas na habang papalapit ang araw ng halalan, naiipit ang mga manggagawa sa media sa gitna ng karahasan at kaguluhan.

Ito ay makaraang barilin sa Barangay Matiombong ang isang tatlumpu’t anim na taong gulang na komentarista sa radyo at dating manager ng istasyon, na tumatakbo rin sa halalan sa Lambayong, Sultan Kudarat.

Si Jaynard Angeles, dating station manager ng Radyo ni Juan FM, ay naghihintay sa kanyang sasakyan sa tapat ng isang pagawaan ng sasakyan, nang siya ay barilin ng dalawa kataong nakasakay sa motorsiklo. Nagtatrabaho pa ito noon bilang komentarista sa Radyo ni Juan nang siya ay barilin.

Naniniwala si Taduran na ang pagtatalaga ng PNP focal person para sa seguridad ng media ay makakatulong upang mahadlangan ang anumang karahasan laban sa mga manggagawa sa media.

“Media is very important especially at this time when we want the truth about the elections to be delivered in the safety of our homes. Ligtas tayong nakikinig at nanonood sa kanilang mga balita, pero ang mga taga-media, hindi napoprotektahan nang husto sa kanilang trabaho. Tamang-tama ang suhestiyon ni Undersecretary Egco na bigyan ng police protection ang media,” ani Taduran.

Si Taduran ang may-akda ng Media Workers Welfare Bill, na kapag nalagdaan bilang batas, ay makakapagbigay ng mas ibayong proteksyon sa mga mangaggawa sa media habang isinasagawa ang kanilang trabaho.

Leave a comment