P7.5B fuel subsidy sa PUV sa 2022 budget bantayan — Sen. Pangilinan

Senador Francis “Kiko” Pangilinan

Ni NOEL ABUEL

Pinayuhan ni Senador Francis Pangilinan ang lahat ng pampasaherong sasakyan kabilang ang taxi, tricycle, motorcycle delivery at iba pa na bantayan ang P7.5 bilyong Fuel Subsidy Program na nakapaloob sa 2022 budget .

Sinabi ni Pangilinan na malaking tulong para sa mga drivers ng pampublikong sasakyan ang nasabing fuel subsidy lalo na at patuloy ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo kung saan sa gasolina lang napupunta ang kita ng mga ito.

“Sobrang laki ng kinakain sa kita ng pagtaas ng krudo sa mga nagde-deliver ng pagkain at iba pang online orders. Kaya naman isinama natin sila sa dapat makatanggap ng fuel subsidy ng DOTr. Merong P7.5 bilyong piso para sa taong 2022 ang nakalaan para dito. Hindi lang jeepney at bus drivers ang pwedeng makinabang dito. I-avail niyo na ito sa DOTr,” sabi ng senador.

Hindi maiwasan ni Pangilinan ang mga nagigin suliranin ng mga motorcycle taxis at delivery riders noong ito pa ang chairman ng University Student Council of the University of the Philippines Diliman kung saan itinuring na illegal ang mga nagtitinda ng mga tauhan ng UP Diliman Police Force.

 “Naalala ko 40 years ago noong ako ay chairman ng UP Student Council, 1985-1986, similar ang problema ng mga riders doon sa problema noon ng mga maliliit na manininda ng UP. Hindi sila ligal at sila ay hinuhuli ng UP Police Force dahil hindi sila kinikilala. Ngunit kami, mga estudyante at mga residente, ay kinikilala namin sila kasi sa kanila kami bumibili,” sabi ni Pangilinan.

Leave a comment