
Ni RHENZ SALONGA
Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng panibagong dagdag na kaso na nasa 37,070 ng COVID-19 kung saan umabot na sa 3,242,374 ang kabuuang COVID-19 infections sa buong bansa.
Base sa pinakahuling datos na inilabas ng DOH, ang mga bagong kaso ay kabilang ang 36,001 o 97 porsiyento na naitala sa loob ng 14-araw mula Enero 4 hanggang Enero 17, 2022.
Idinagdag pa ng DOH na ang mga rehiyon na nakapagtala ng maraming kaso ng COVID-19 virus ang Metro Manila na nasa 13,061 o katumbas ng 36 porsiyento habang ang Calabarzon ay nakapagtala ng 9,048 o katumbas ng 25 porsiyento at Central Luzon na nasa 4,173 o katumbas ng 12 porsiyento%.
Samantala, mayroon namang 33,940 bagong gumaling kung saan umabot na sa 2,898,507 ang nakaligtas at umabot na sa kabuuang 52,929 ang mga pumanaw matapos na madagdagan ito ng 23 nasawi.
