DOLE nagbabala sa pekeng “Guidelines for Recruitment of Non-Vaccinated Applicants”

NI RHENZ SALONGA

Nagbabala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa publiko sa nagkalat na pekeng “Guidelines for Recruitment of Non-Vaccinated Applicants”.

Ayon kay DOLE Sec. Silvestre Bello III, ang nasabing mga pekeng dokumento na gumagamit ng pangalan ni Cabinet Secretary at Acting Presidential Spokesperson Karlo Alexei Nograles.

Giit ng kalihim, ang DOLE at ang COVID-19 Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ay hindi kailanman naglalabas ng nasabing dokumento.

Partikular na pinalalahanan ng DOLE ang mga pribadong sektor at ang mga naghahanap ng trabaho.

Sinabi pa ni Bello na kumikilos na ngayon ang mga awtoridad para hanapin ang mga nasa likod ng nasabing scam at papanagutin sa batas lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Leave a comment