
Ni NOEL ABUEL
Sapat ang pondo para sa mga state-run hospitals sa bansa para magamit sa dumaraming kaso ng COVID-19 virus.
Ito ang sinabi ni Senador Sonny Angara, chairman ng Senate Committee on Finance kung saan isa ang health system sa prayoridad ng Kongreso nang talakayin ang 2022 national budget.
“Based on what we are seeing today with the renewed rise in COVID-19 cases, the support for our health system, particularly our government hospitals remains essential. While we had to work with limited resources, we made sure that the health sector would get as much funding as possible,” ani Angara.
Kabilang sa mga government hospitals na makakatanggap na sapat na pondo mula sa 2022 GAA ang UP-Philippine General Hospital (PGH) na nasa P510 milyon sa karagdagang pondo na magagamit sa infrastructure at pagbili ng iba pang kagamitan nito.
Aniya, ang Central Intensive Care Unit ng PGH, ay may P169.7 milyon para magamit sa pagbili ng mga makabagong equipment habang P130 milyon din ang ibinigay sa Dual Plane Angiogram Suite para sa mga pasyenteng nangangailangan ng cardiac at vascular procedures.
Maliban pa dito ay may P120 milyon din ang inilaan para sa pagsasaayos ng historical Nurse’s Home Building ng PGH na tinawag na ngayong “Bahay Silungan”.
“We commend the efforts of PGH director Dr. Gap Legaspi in pursuing the restoration of this historical building. Apart from contributing to the preservation of our heritage icons, the revival of the structure will also serve as a home for the PGH’s hardworking health workers and even the transient patients,” ayon pa kay Angara.
Naglaan din ang Kongreso ng P90 milyion para sa paglalagay ng fire protection system sa Central Block Building ng PGH.
“The fire that broke out at the PGH in May of last year was heartbreaking and also brought to our attention the need for interventions that would prevent something similar from happening again in the future,” sabi ni Angara.
Samantala, ang East Avenue Medical Center (EAMC) ay pinaglaanan ng P656.8 milyon para sa pagsasaayos ng pasilidad at serbisyo nito kabilang ang P127.6 millyon para sa konstruksyon ng Multispecialty Catheterization Laboratory, P60 milyon para sa CT Scan machine, P58 milyon sa pagbili ng neurosurgical equipment at pagsasaayos ng pasilidad ng ospital.
Habang ang Lung Center of the Philippines (LCP), ay nakatanggap ng P75 milyon bilang karagdagang pondo para sa pagsasaayos ng serbisyo nito sa mga pasyenteng may lung cancer at iba pang respiratory ailments.
May inisyal na P25M ang inilaan para sa early detection ng lung cancer ng nasa 400 pasyente habang karagdagang P20M ang inilaan para sa lung transplant program ng mga pasyente na may advanced lung disease.
Sa panig naman ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) binigyan ito ng P8.5M para sa medical assistance sa mga kabataan na may congenital heart disease na nangangailangan ng surgery.
