Bigote ni dating Senador Jinggoy Estrada pinagtanggal ni Mayor Sara Duterte

NI NOEL ABUEL

Walang nagawa si dating Senador Jinggoy Estrada nang hilingin ni dating Davao City Mayor Sara Duterte ang pagtanggal sa bigote nito.

Sa ginanap na online talk show “Sara All For You” kung saan naging panauhin si Estrada, inamin nito na personal na hiniling ni Duterte na tanggalin ang bigote nito upang magsilbing batang tingnan at maging magandang imahe.

“Actually, totoo po ‘yan mga kababayan. Hindi niya gusto na meron akong bigote dahil nagmumukha akong brusko at matanda. Nu’ng sinabi niya sa akin ‘yun, agad-agad kong tinanggal ang aking bigote,” sabi ni Estrada.

Hindi naman itinanggi ni Mayor Sara, na tumatakbo bilang vice president ngayong May national elections, na ipinatanggap nito ang bigote ni Estrada sa kadahilanang hindi aniya nito naiintindihan ang sinasabi ng dating senador.

Si Estrada, na tumatakbo muli sa Senado, kung nakilala aniya nito si Mayor Sara noong 1990s ay posibleng hiniling nito sa mga TV producers na maging leading lady nito ang huli.

“Kung nakilala ko kayo nu’ng early 90’s or 1995, hindi ko palalampasin na kunin ka, kahit hindi marunong umarte, tatangkilikin ka pa rin at madadaan naman sa workshop,” ani Estrada.

Leave a comment