“No vaccine, no ride” policy dapat imbestigahan – Sen. Go

Paghahain ng class suit inirekomenda ni Sen. Lacson

Senador Christopher “Bong” Go

Ni NOEL ABUEL

Suportado ni Senador Christopher “Bong” Go ang panawagan ng ilang kongresista na imbestigahan ang “no vaccine, no ride” policy sa mga pampublikong sasakyan na ipinatutupad ng Department of Transportation (DoTr).

               

“I welcome any investigation, if warranted.  Dapat ipaintindi sa tao ang polisiya kaysa pag-awayan ito,” sagot ni Go sa inihaing resolusyon ni Gabriela party list Rep. Arlene Brosas na humihiling sa House committee on health na magsagawa ng imbestigasyon sa nasabing kontrobersyal na proyekto.

Sinabi ni Go na ang  “no vax, no ride” policy ang idinesenyo para protektahan ang mga hindi pa bakunadong indibiduwal lalo na at 85 porsiyento ng mga COVID-19 patients na nasa intensive care unit ng mga ospital na nangangailangan ng mechanical ventilators sa mga ospital ng gobyerno ay hindi mga bakunado.  

“This policy, after all, is just one of the many pandemic measures, including guidelines on non-essential travels, health protocols, and activities, among others, that we had been implementing to regulate movements of people particularly amid increasing number of cases.  Metro Manila is presently under Alert Level 3,” sabi  nito. 

“Bagama’t hindi mandatory ang vaccination laban sa COVID-19 at hindi pwedeng pilitin ang tao, hikayatin pa rin natin ang mga hindi pa bakunado na magpabakuna na dahil maiiwasan natin ang malubhang sakit o maging kamatayan dahil sa COVID-19.  Ilapit na natin sa kanila ang bakuna at ipaintindi natin nang mabuti,” dagdag nito.

Giit pa ng senador na ang bakuna ang susin para malampasan ng bansa ang pandemya at makabalik na sa normal ang pamumuhay ng lahat.

Samantala, sinabi naman ni Senador Panfilo Lacson na hindi na natuto ang pamahalaan na laging reactive at late sa mga desisyon.

Giit ni Lacson, kailangan pang magdusa ng daan-daang commuters bago pag-isipang mali ang inilalabas na paghihigpit.

“Since the start of the pandemic in our country in early 2020, the national government’s action has always been reactive and late. Even the tapping of the business sector and local government units (LGUs) in the vaccination drive not only came late – their voluntary participation and offering of their own resources was even discouraged by the government through overregulation. Ano ba meron?,” tanong ni Lacson.

Sinabi pa nito na maaaring maghainn ng class suit ang mga naapektuhan ng “no vaxx, no ride” policy. “That said, those affected by the policy may avail of legal remedies like a class suit. But that is if they are prepared for a protracted legal battle,” ani Lacson.

Leave a comment