Solon sa LGUs: Inspeksyunin ang pekeng fuel pumps ng mga gasoline stations

Rep. Jose “Bonito” Singson Jr.

Ni NOEL ABUEL

Pinakikilos ng isang kongresista ang mga local government units (LGUs) sa bansa na magsagawa ng regular na pag-iinspeksyon sa lahat ng gasolinahan na nasasakupan ng mga ito upang masiguro tama at walang daya ito.

                Sinabi ni Probinsyano Ako partylist Rep. Jose “Bonito” Singson Jr. na dapat na tanggalan ng prangkisa, business permits at mayor’s permit ang mga  gasoline stations na mapapatunayang gumagamit ng tampered pumps.

“Gasoline stations that use tampered pumps to defraud  motorists should be shut down and their business permits and mayor’s license swiftly revoked,” ayon kay Singson, chairman ng House Committee on Public Accounts.

“Show no mercy.  File criminal charges against those found violating the law,” dagdag nito.

Inihalimbawa pa ni Singson ang memorandum na inilabas noong 2004 ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ang mga LGUs ay dapat na siguruhin na ang lahat ng gasoline stations sa lugar ng mga ito ay dapat na nasisiyasat upang masiguro na hindi depektibo ang kanilang  gasoline pumps.

Sinabi pa ng kongresista na ang mga LGUs ay dapat sinisiguro na ang mga gasoline stations ay nakakasunod sa probisyon ng fair business practices sa ilalim ng kasalukyang batas na nagpoprotekta sa mga consumers.

 “Gasoline operators who shortchange their customers who are already facing a double whammy of adverse economic effects of COVID-19 and soaring fuel prices are the worst of people.  They should be kicked out of business and jailed,” sabi pa ni Singson.

Leave a comment