Kauna-unahang pinakamalaking fish center itatayo sa bansa

Senador Christopher “Bong” Go

Ni NOEL ABUEL

Kumpiyansa si Senador Christopher “Bong” Go na malaki ang maitutulong ng Navotas Fish Port Complex (NFPC) modernization plan para mapasigla ang fishing industry sa bansa.

“Malaki po ang maitutulong ng proyektong ito upang lalo nating mapasigla ang fishing industry sa bansa. Lalo na ngayong may pandemya, back to basics tayo at importante na masiguro ang food security sa ating mga komunidad,” sabi nito.

Kasabay nito, pinuri ni Go ang Philippine Fisheries and Development Authority (PFDA) sa nasabing proyekto na magtatapos sa 2023 na bahagi ng plano ng pamahalaan na maging modernize at industrialization ang fishing industry.

Nabatid na ang NFPC, ang premier fish center ng bansa at itinuturing na pinakamalaki sa Asya, ay kauna-unahang mahalagang fishing port and market complex na sasailalim sa hurisdiksyon ng PFDA.

Samantala, nagpasalamat naman si Navotas City Rep. John Reynald Tiangco kay Pangulong Rodrigo Duterte at Go dahil sa suporta ng mga ito na maging maganda ang nasabing port complex.

“I am personally thanking President Duterte and Senator Go for their all-out support to my bill, which will be vital for the much-needed improvement, rehabilitation and modernization of the country’s premier port center,” sabi ni Tiangco.

Maliban sa suporta sa modernization ng nasabing port complex, binigyan din ang NFPC ng P3.054 bilyong pondo sa 2021 budget.

Leave a comment