Senador Sherwin Gatchalian pinuri ni Mayor Sara Duterte

Ni NOEL ABUEL

Pinuri ni Davao City Mayor Sara Duterte si Senador Sherwin Gatchalian sa magandang panukala para sa mga children with special needs.

“Senator Win, on behalf of all the children with special needs, maraming salamat po sa tulong ninyo sa kanilang lahat dito sa ating bansa,” sabi ni Duterte.

Ayon kay Gatchalian ang Inclusive Education Bill ay hinihintay na lamang lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte para tuluyang maging batas.

Si Gatchalian, na naging panauhing bisita sa online show ni Duterte na “Sara All For You,” na ang panukala ay nabuo base sa kasanayan nito noong ito pa ang alkalde ng Valenzuela City kung saan sinimulan nito ang Special Education o SPED Center para matulungan ang mga learners with disabilities.

“Itong SPED center natin ay free para sa lahat at kumpleto sa specialists — occupational therapists, speech therapists, physical therapists, at ang pinakaimportante ay tinuturuan natin sila ng life skills para pag graduate nila, importante na may trabaho sila,” sabi ni Gatchalian.

“Marami sa ating mga magulang ang pangarap nila sa mga anak nila na may kapansanan ay maging independent pagtapos ng pag-aaral,” dagdag pa nito.

Sinabi pa ni Gatchalian, na Uniteam senatorial candidate, ang Inclusive Education Bill, ang SPED Center concept ay iimplmenta sa national scale.

“Itong batas na ito ay magbibigay ng karagdagang suporta sa ating mga kabataan at mag-aaral nating may kapansanan, at hindi na sila itataboy sa mga eskwelahan. Bawal na rin ‘yung tinatawag natin na diskrimasyon sa mga batang may kapansanan,” sabi ni Gatchalian.

Isinsusulong ng senador ang pagkakaroon ng eskuwelahan para sa mga special education teachers na siyang tutulong sa mga learners with disabilities.

“Lahat ng mga eskwelahan, private and public, dapat may capability na sila na magturo ng mga batang may kapansanan. At importante rin ‘yung suporta tulad ng mga espesyalista, mga occupational therapists, speech therapists at iba pa,” sabi pa nito.

Leave a comment