
Ni NOEL ABUEL
Pinamamadali ni Senador Christopher “Bong” Go sa pamahalaan ang pamamahagi ng COVID-19 vaccines upang maabot na ang 77 milyong Filipino na nabakunahan sa unang bahagi ng 2022 hanggang sa umabot sa 90 milyon.
“Umaapela po ako sa gobyerno na mas pabilisin pa lalo ang pagbabakuna at kung maaari ay dalhin mismo sa bahay ang bakuna ng mga willing maturukan pero hindi kayang pumunta sa vaccination sites,” ani Go.
Kasabay nito, iginiit ni Go sa mga hindi na bakunado na huwag nang maging matigas ang ulo at tuluyan nang magpabakuna upang mawala na ang COVID-19 virus sa bansa.
“Hinihimok ko rin ang ating mga kababayan na magpabakuna na sa lalong madaling panahon. Nasa datos naman po na kapag bakunado kayo laban sa COVID-19, maiiwasan ninyo ang pagkakaroon ng malalang kaso nito o ang maospital,” aniya pa.
Kasabay nito, hiniling ni Go na dapat ding ipadala sa mga malalayong lugar sa bansa ang mga bakuna dahil sa patuloy na pagdami ng kaso ng virus na naitatala sa mga ito.
“I’m also urging my fellow government officials, particularly local chief executives, to guarantee that the vaccines are distributed in a timely manner,” ayon sa senador.
“Let us take it upon ourselves to make vaccines more accessible to individuals who may have difficulty acquiring them, such as people with disabilities and those who live in rural or hard-to-reach areas,” dagdag pa nito.
Sa pinakahuling datos ng Department of Health, sinabi ni Secretary of Health Francisco Duque III na ang Omicron variant ay nakita sa mahigit sa 90% ng genome-sequenced samples sa bansa kung saan 30% ang naging pagtaas nito kung ikukumpara sa 60% naitala noong nakaraang linggo. Mula Enero 20, nasa 56.8 milyong Filipino ang fully vaccinated na habang nasa 59.6 milyong indibiduwal ang nakakuha pa lamang ng first dose samantalang 5.8 milyon naman ang nakatanggap na ng kanilang booster shot.
