Pagprotekta sa magnanakaw, dapat nang ubusin — solon

Senador Panfilo Lacson

Ni NOEL ABUEL

“Ubusin ang magnanakaw para maging maganda ang kinabukasan ng ating mga anak, ng ating mga apo, at ng susunod na henerasyon.

Ito ang giit ni Senador Panfilo Lacson sa pagsasabing ang pagtatapos sa ganitong maling sistema at pagpapatupad ng ng pantay na hustisya para sa lahat.

Inihayag ito ng batikang mambabatas at presidential candidate, makaraang personal nitong malaman ang tunay na kuwento sa likod ng kuwento nina Leonardo “Lolo Narding” Flores at Robert Hong, sa kaso ng “ninakaw” na mangga.

Aniya, mas malaking reyalidad na nakakatakas pa rin ang mga maiimpluwensyang magnanakaw sa sistema ng hustisya.

“This is the best that we can do to serve justice to all those who deserve it. It behooves us to look at the bigger picture. While ordinary thieves get the whip surely and fast, the big, powerful crooks stay big and powerful. It’s simply unfair and sad,” sabi ni Lacson sa kanyang Twitter account.

Nitong Huwebes, siniyasat ni Lacson ang tunay na dahilan ng pag-aresto sa 80-anyos na si Flores dahil sa umano’y pagnanakaw ng mga mangga sa lote na binabantayan ni Hong.

Si Hong ang naghain ng reklamo laban kay Flores at ngayon ay nagtatago sa publiko at hindi nakakapaghanapbuhay bilang truck driver dahil sa mga banta na natanggap mula sa mga blogger at netizen—isang kaso ng pambu-bully na nag-ugat mula sa pagkalat ng kulang-kulang na impormasyon. 

Sinabi ni Lacson na ang pagtulong nito sa pagpapabatid ng katotohanan sa likod ng viral case na ito ang pinakamabuting magagawa para kina Flores at Hong.

“Yet, it cannot be denied that the big and powerful crooks are still out there, free to continue abusing their power and stealing from ordinary taxpayers,” sabi ni Lacson, kasabay ng paggiit niya na kailangang ibalik ng taumbayan ang galit laban sa mga ganitong kaso ng kawalan ng hustisya.

Ipinangako ni Lacson na ipatutupad nito ang iisang pamantayan sa pagtapos ng mga iligal na aktibidad, kabilang ang krimen at kurapsyon, sa pamamagitan ng kombinasyon ng mahigpit na disiplina at pamumuno ng isang lider na may mabuting ehemplo.

Leave a comment