BI nagbabala vs scammers sa Facebook

Ni NERIO AGUAS

Nagbabala ang Bureau of Immigration (BI) sa publiko na mag-ingat sa mga scammers na nagkukunwang empleyado ng ahensya at nambibiktima gamit sa Facebook social media.

Ang babala ay inilabas ni BI Commissioner Jaime Morente kasunod ng natanggap nitong impormasyon na isang nagpapakilalang tauhan umano ng BI ang nag-aalok ng tulong sa mga overseas Filipino workers (OFWs) para makapagtrabaho sa Japan at Middle East kapalit ng malaking halaga ng salapi.

“In one report, the scammers used the social media photos of one of our alien control officers to create a fake account and offer his services in several Facebook groups online,” sabi ni Morente.

Ayon ka Morente, sumisingil ang nasabing scammer ng kabuuang P670,000 mula sa mga naging biktima nito.

Dahil dito, nanawagan si Morente sa mga naging biktima ng nasabing scammers na agad na humingi ng tulong sa mga awtoridad para sa agawang pagkakadakip sa mga ito.

“Do not transact with these scammers who use the name of the bureau for their illegal activities.  We do not condone such, and advice the public to report any attempts to local authorities as this is a type of scamming and cybercrime,” paliwanag pa ng BI chief.

Samantala, tinukoy din ni Morente ang isang nag-viral sa Tiktok video na kinukumbinse nito ang mga Filipino na nais magturo sa Thailand na magsinungaling sa immigration officers upang makapagtrabaho sa nasabing bansa nang walang kinauukulang dokumento.

“The laws are in place for your protection.  Circumventing the law only puts you in danger, increasing your vulnerability to exploitation abroad,” babala pa ni  Morente.

Paliwanag pa nito, ang mga OFWs ay kinakailangang makakuha muna ng permit mula sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na gagamitin ng mga ito bago payagang makalabas ng bansa.

Leave a comment